Wisdom of Life

Public Hearing sa Presyo ng Karneng Baboy sa Pamilihang Bayan ng Baler

_DSC0004

Nagsagawa ng Public Consultation ang Municipal Price Coordinating Council kasama ang mga Meat Vendors, lokal na pamahalaan, Hog Raisers at mga Consumers sa SB Session Hall noong ika-3 ng Hunyo 2014.

Napagkasunduan sa harap ng Punong Bayan Nelianto Bihasa na ang presyo ng bentahan ng karneng baboy ay pansamantalang italaga sa 210 pesos kada kilo. Ito ay ayon na rin sa kahilingan ng mga Meat Vendors dahil sa mataas na kuha nila sa mga Hog Raisers.

Gayunpaman inatasan ng Punong Bayan na alamin ng pambayang ingat-yaman kung dapat pang ibalik sa 200 piso kada kilo ang presyo nito sa merkado ng Baler gayun din ang planong pag-amyenda sa ordinansa ukol sa taripa kung ibababa ang halaga ng mga bayarin sa munisipyo para manatili sa 200 piso ang presyo nito.

Kaalinsabay nito, pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry ang mga nagtitinda sa pamilihang bayan ng Baler na maglagay ng tamang presyo o price tag sa kanilang mga binebenta. Ang sinumang lumabag sa kautusang ito ay may karampatang kaparusahan ayon sa ipinatutupad na ordinansa ng bayan.

About Author: admin